Kaugnay pa rin sa patuloy na pangangalaga ng kalusugan ng bawat pamilyang Tanaueño, inilunsad naman ngayong araw ang Batch 2 ng National Nutrition Survey sa Lungsod mula sa inisyatibo ng Food and Nutrition Research Institute – DOST, katuwang ang Pamahalaang Lungsod sa pangunguna ni Mayor Sonny Perez Collantes at Tanauan CHO.
Kabilang sa mga susukating datos ay ang mga sumusunod:• Anthropometry
• Clinical and health
• Food Security
• Dietary
• Infant and Young Child Feeding
• Maternal Health and Nutrition
• Government Program Participation
• Socio-Economic Characteristics of Households/Individuals
• Mental Health and Nutrition
• Biochemical
• Food Environment dimension
Layon din nitong bigyang-gabay ang ating mga kababayan upang mapanatiling malusog ang pangangatawan ng ating mga kababayan.