Educational Assistance, Brgy. Malaking Pulo & Santol

TINGNAN | Educational Assistance, ipinaabot ni Mayor Sonny para sa mga Tanaueñong mag-aaral ng Brgy. Malaking Pulo & Santol
Kahapon, umabot sa kabuuang 1150 na mga mag-aaral mula Brgy. Malaking Pulo at Santol ang personal na binigyan ni Mayor Sonny Perez Collantes ng Educational Assistance katuwang ang Barangay Affairs, City Treasury Office at mga kawani ng bawat Sangguniang Barangay.
Nakiisa rin sa aktibidad na ito sina Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes, TWCC President Atty. Cristine Collantes, Bokal Fred Corona at mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod na sina Kon. BGEN. Ben Corona, Kon. Sam Torres Aquino Bengzon, Kon. Eric Manglo ay Kon. Czylene Marqueses na ating kabahagi sa malawak na paghahatid ng mga programa para sa sector ng Edukasyon at para sa ating mga kababayan.
Habang alinsunod sa mandato ni Mayor Sonny na maghatid ng dekalidad na edukasyon, tuluy-tuloy ang pamamahagi ng Educational Assistance – dalawa kada pamilyang Tanaueño – sa iba pang mga barangay.
Previous 44th Flag Raising Ceremony

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved