Local Committee on Anti-Trafficking and Migration Council meeting

Kaligtasan ng ating mga Tanaueña, magkatuwang na tututukan nina Mayor Sonny at Department of Social Welfare and Development!
Kasabay ng Local Committee on Anti-Trafficking and Migration Council meeting, binisita ng mga opisyales ng Department of Social Welfare and Development Office ang Tanggapan ng mga mamamayan upang talakayin sa ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes ang kaniy pakikipagtulungan sa ating Lokal na Pamahalaan para mapanatili ang kaligtasan ng ating mga Tanaueña.
Bahagi ng diskusyon ang magiging kontribusyon ng binuong Local Committee on Anti-Trafficking and Migration Council, pagpapatibay at pinalawig na pagpapatupad ng Laws of Human Trafficking na layong mas masiguro ang seguridad ng ating mga kababaihan.
Tiniyak naman ni Mayor Sonny kasama sina Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes , TCWCC President Atty. Cristine Collantes at CSWD Department Manager Ms. Rebecca Javier na patuloy ang pakikiisa ng Pamahalaang Lungsod sa pamamagitan ng paglikha ng mga programang poprotekta at mangangalaga para sa Sektor ng mga kababaihan sa Tanauan.
Previous Patuloy ang pagpapaabot ng tulong ni Mayor Sonny Perez Collantes sa pangangailangan ng bawat Tanaueño

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved