Inagurasyon ng mga bagong School Buildings, repainting at electrical upgrade ng mga paaralan at kagamitan para sa School Year 2023-2024, tinalakay sa 5th Local School Board
Bilang paghahanda sa paparating na School Year 2023-2024, kasalukuyan nang pinahahandaan ng Local School Board sa pangunguna ni LSB Chair Mayor Sonny Perez Collantes ang inagurasyon ng mga bagong school buildings at pagsasaayos ng iba pang gusali’t pasilidad sa 59 pampublikong paaraalan sa Lungsod.
Kabilang sa tinalakay rito ay ang repair at repainting alinsunod sa DepEd standard at pag-inspeksyon sa mga linya ng kuryente nito. Habang kasado na rin ang pamamahagi ng school supplies para sa Kinder hanggang Grade 12 students ng Lungsod.
Samantala kabilang din sa pinag-usapan ay ang mga sumusunod:
• NC II Assessment TVL Learners
• Status of SEF Budget
• LSA Employment Status
• Integration of Agriculture Curriculum: Tanauan Schools of Fisheries and Pres. J.P. Laurel National High School
• Participation to Regional Schools Press Conference
• Participation to Regional Festival of Talent
• Participation to Pre-Palaro
Bukod dito, tagumpay na ring naipamahagi ang mga bagong silya at glassboard sa lahat ng pampublikong paaralan katuwang ang DepED Tanauan City.