Fraternal Order of Eagles (Tanauan City Eagles Club)

Fraternal Order of Eagles (Tanauan City Eagles Club), handang umagapay sa Pamahalaang Lungsod para sa paghahatid serbisyo sa ating mga Tanaueño!
Sa patuloy na pakikipagtulungan ng ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes sa iba’t ibang organisasyon sa Tanauan, bumisita ang Tanauan City Eagles Club ngayong araw para talakayin ang mga isasagawang Community Outreach Program sa ating Lungsod.
Inihayag naman ni Mayor Sonny na bukas ang Pamahalaang Lungsod upang sumuporta sa kanilang mga aktibidad. Hinikayat niya rin ang nasabing grupo na makiisa sa pagbuo ng mga programang magpapabuti sa antas ng pamumuhay ng bawat Tanaueño at pag-uunlad ng Lokal na
Ekonomiya ng ating Lungsod.
Previous Ang Pag – iisang dibdib ng limang pares sa Pamahalaang Lungsod ng Tanauan

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved