Mayor Sonny Perez Collantes at Dr. Jose P. Laurel Masonic Lodge, magtutulungan para sa pagpapaunlad ng Lungsod ng Tanauan

Mayor Sonny Perez Collantes at Dr. Jose P. Laurel Masonic Lodge, magtutulungan para sa pagpapaunlad ng mga programa sa Lungsod
Iba’t ibang mga programa para sa mga Tanaueño ang pagtutulungan nina Mayor Sonny Perez Collantes, Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes at Kon. GBen. Ben Corona kasama ang Dr. Jose P. Laurel Masonic Lodge batay sa kanilang pagbisita ngayong araw sa Tanggapan ng mga Mamamayan.
Sa kanilang pagpupulong, ibinahagi ni Mayor Sonny ang ilang mga aspeto kung saan maaaring makatulong ang nasabing organisasyon tulad ng turismo, edukasyon at pangkalusugan.
Bukod dito, ibinahagi din ni Mayor Sonny ang kasalukuyang mga proyektong ibinababa ng Pamahalaang Lungsod tulad ng medical and social services programs, educational interventions at iba pa na nakabatay sa kaniyang 7-point priority agenda para sa Lungsod ng Tanauan.
Previous Pagtaguyod ng ‘Renewable Energy’ sa lungsod ng Tanauan

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved