Regular na pagtataas ng watawat ng Pilipinas sa Lungsod ng Tanauan

Kasalukuyang estado ng Circumferential Road at pagbibigay pugay sa mga Nanay na kawani, bahagi sa iniulat ni Mayor Sonny ngayong araw!
Kasabay ng pagtataas ng watawat ng Pilipinas ngayong araw, binigyang pagkilala ni Mayor Sonny Perez Collantes ang katatagan, sakripisyo at pagmamahal ng bawat ina para sa kanilang pamilya. Bilang pagpupugay, namahagi ito ng bulaklak para sa mga Ina na kawani ng Pamahalaang Lungsod.
Nabanggit din ni Mayor Sonny ang naganap na pagpupulong noong nakaraang Linggo kasama ang mga opisyal ng Department of Public Works and Highways at Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes, hinggil sa nalalapit na pagbuo ng Circumferential Road sa palibot ng Lawa ng Taal na magdudugtong at magpapabilis ng biyahe sa mga bayan sa ikatlong Distrito.
Kasabay nito ang magandang balita para sa mga regular employees ng Pamahalaang Lungsod hinggil sa kanilang matatanggap na Mid-year Bonus ngayong taon.
Happy Monday, Tanauenos!
Previous Top 10 Business Tax Payers at Real Property Tax Payers

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved