Joint Emergency Consultation Meeting ng Local Child Protection Council

Kalagayan at mga polisiyang poprotekta sa mga Kabataang Tanaueño sa Lungsod, tinalakay sa Joint Emergency Consultation Meeting ng Local Child Protection Council
Sa pangunguna nina LCPC Chair Mayor Sonny Perez Collantes, TWCC President Atty. Cristine Collantes, at City Administrator Mr. Wilfredo Ablao ay tagumpay na naisagawa ngayong hapon ang Joint Emergency Consultation Meeting ng Local Child Protection Council na dinaluhan ng iba’t ibang sektor na kabahagi ng pamahalaang lungsod sa pangangalaga sa mga Kabataang Tanaueño.
Sa nasabing aktibidad, tinalakay rito ang mga “emerging issues and cases of children” sa Lungsod ng Tanauan na ibinahagi ni CSWD head Ms. Rebecca Javier. Kaalinsabay nito ay pinag-usapan din ang Strategic Planning ng mga aktibidad na tutugon sa mga kasalukuyang isyung kinakaharap ng mga kabataan.
Sa mensahe ni Mayor Sonny, kaniyang binigyang-diin ang pagbuo ng lokal na pamahalaan ng Protection Guiding Policies and Programs na tututok sa sa pangangailangan ng lahat ng kabataan sa Lungsod, partikular na sa aspeto ng edukasyon, sports, pang-kalusugan, at kaligtasan. Dagdag pa niya, mahalaga ang papel ng bawat ahensya ng pamahalaan tulad ng PNP at DepEd at mga organisasyong nangangalaga sa mga kabataan upang maisulong ang ligtas at payapang komunidad para sa kanila.
Kabilang din sa nakiisa sa nasabing pagpupulong ay si TWCC President Atty. Cristine Collantes na katuwang ng lokal na pamahalaan sa pagbuo ng isang Child-Friendly City.
Previous 41st Annual Regular General Assembly Meeting ng Talaga Barangay Water Service Cooperative (TBWSC).

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved