Mga Programa ng C/MSWD sa Lalawigan ng Batangas, tinalakay sa 1st Quarterly Cluster Social Case Conference.

Mga Programa ng C/MSWD sa Lalawigan ng Batangas katuwang ang DSWD Region IV-A, tinalakay sa 1st Quarterly Cluster Social Case Conference.
Sa pangunguna ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan, isinasagawa ngayong araw ang 1st Quarterly Cluster Social Case Conference ng DSWD Region IV-A kasama ang mga Social Workers ng bawat bayan, mga kinatawan ng 33 City and Municipal Links at mga kawani ng Social Welfare Agencies.
Kabilang sa Provisional Agenda ng nasabing pagpupulong ay ang implementing guidelines ng 4Ps na ipinatutupad ng mga City/Municipal Social Welfare and Development sa Lalawigan ng Batangas, kasalukuyang estado ng mga ‘social cases’ ng bawat bayan at mga interbasyon dito, at ang pag-assess sa mga programang inihahatid ng C/MSWD katulong ang DSWD tulad AICS.
Sa mensahe ni Mayor Sonny Perez Collantes, kaniyang binigyang-diin ang pagpapabilis ng mga serbisyong publiko katuwang ang Tanauan CSWD tulad ng lingguhang pagpapaabot ng Local AICS para sa ating mga kababayang nangangailangan ng medical, hospitalization at burial assistance at ang pagkakaroon ng DSWD Satellite Office sa Lungsod. Bukod dito, nakikipagtulungan din ang ating Punong Lungsod sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaang nasyunal upang makapaglunsad ng mga programa at komiteng poprotekta sa mga karapatan ng bawat sektor sa Tanauan.
Habang nagpasalamat naman si Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes sa walang humpay na pakikipagtulungan ng DSWD upang matugunan ang ‘social services’ na kinakailangan ng mga kababayan natin sa Ikatlong Distrito.
Previous Clean-up drive ng ating mga makikisig na Lakeshore Workers sa lawa ng Taal!

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved