Tanauan City

Tanauan City Labuyo Football Team Kampyeon!

Congratulations, Tanauan City Labuyo Football Team!
Isang karangalan muli ang naiuwi ng ating mga koponan sa Football matapos masungkit ang kampyeonato sa katatapos lamang na Football League Mens Open na ginanap sa Lipa City, Batangas.
Sa iskor na 3-1 tinanghal na kampyeon ang Tanauan City Labuyo Football Team, laban sa katunggaling ACF Real Molinillo. Habang, hinirang bilang Most Valuable Player si Krysler Bon Opeña dahil sa ipinakitang gilas at husay sa kompetisyon.
Sa ngalan ng buong pamunuan ng Pamahalaan ng Lungsod ng Tanauan sa pamumuno ni Mayor Sonny Perez Collantes, kami ay taos pusong bumabati sa inyong iniuwing karangalan sa Lungsod. Mabuhay ang atletang Tanaueño, mabuhay ang Lungsod ng Tanauan!
Previous Civil Wedding

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved