Ika-25 na regular na pagtataas ng Watawat ng Pilipinas

Nakatakdang Salary increase para sa mga Job Order employees, Oportunidad para sa mga Skilled Workers, at Big Seiso Day, tinalakay sa Flag Ceremony ngayong umaga
Sa ika-25 na regular na pagtataas ng Watawat ng Pilipinas, malugod na ibinahagi ni Mayor Sonny Perez Collantes na kasalukuyan nang pinag-aaralan ng Pamahalaang Lungsod, katuwang ang City Accounting Office at City Budget Office ang nakatakdang salary increase para sa mga Job Order na empleyado ng lokal na pamahalaan.
Bukod dito, ibinalita rin ni Mayor Sonny na magbubukas ang bansang Japan ng oportunidad para sa mga kababayan nating skilled workers na result ana pakikipagtulungan ng ating Pang. Bongbong Marcos sa nasabing bansa.
Bilang tugon dito, makikipagtulungan ang ating Punong Lungsod sa Tanggapan ni Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes upang mabigyan ng training scholarship sa ilalim ng TESDA ang ating mga kababayang nagnanais na maging bahagi ng programa.
Habang inanyayahan naman ng Human Resource and Management Development Office (HRMDO) ang lahat ng mga kawani ng Pamahalaang Lungsod na makiisa sa gaganaping โ€œBig Seiso Dayโ€ sa darating na ika-17 ng Pebrero na bahagi ng 5S practice ng Pamahalaang Lungsod.
Previous ๐Œ๐ ๐š ๐ค๐จ๐ฉ๐จ๐ง๐š๐ง ๐ง๐  ๐“๐š๐ง๐š๐ฎ๐š๐ง ๐‚๐ข๐ญ๐ฒ, ๐ฉ๐š๐ฌ๐จ๐ค ๐ง๐š ๐ฉ๐š๐ซ๐š ๐ฌ๐š ๐‚๐ก๐š๐ฆ๐ฉ๐ข๐จ๐ง๐ฌ๐ก๐ข๐ฉ ๐ ๐š๐ฆ๐ž ๐›๐ฎ๐ค๐š๐ฌ!

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENTยฉ 2022 All Rights Reserved