Proposed 2023 SEF Budget

Proposed 2023 SEF Budget, karagdagang School Buildings, at pagsasaayos ng Water System sa mga paaralan, tinalakay sa 2023 1st Local School Board Meeting
Aprubado na ng mga miyembro ng Local School Board sa pangunguna ni LSB Chair Mayor Sonny Perez Collantes ang budget allocation para sa 2023 SEF Budget matapos ang unang Regular Local School Board Meeting para sa taong 2023.
Ilan sa inaprubahan dito ay ang planong pagpapatayo ng 30 school buildings, karagdagang 12,000 armchairs, pondo para sa Sports Development at National Certificate (NC) para naman sa ating mga guro at mag-aaral na Tech-Voc at alokasyon para school supplies ng higit 43,000 na mga mag-aaral sa darating na Taong Panuruan 2023-2024.
Kabilang din sa tinalakay at kasalukuyan nang inaaksyunan ng Pamahalaang Lungsod katuwang ang City Engineering Office sa pangunguna ni Engr. Roberto Vergara ay ang lokasyon ng pagatatayuan ng bagong school building ng Tanauan Schools of Fisheries, kondisyon ng water system ng Tanauan City Integrated Highschool at Gonzales Elementary School. Habang nakikipag-ugnayan na rin ang lokal na pamahalaan sa BATELEC II para naman sa pagsasaayos ng transformer ng Bernardo Lirio Memorial Central School.
Habang kinilala rin ng Local School Board ang mga guro na nagwagi sa Regional Search for the 4th National Competition on Storybook Writing na sina Mr. John Ronnel G. Popa at Ms. Gladiola L. Delim mula Balele Integrated High School at Ms. Chedy Shange G. Lopez ng Dr. Alcantara Elementary School. Masayang ibinahagi din ng LSB na isa si Education Program Supervisor for English Dr. Victoria Burgos sa tatlong kinatawan ng bansa sa Japan para sa Special Program In Foreign Language ng Department of Education.
Previous Programang pangkababaihan at mga aktibidad para sa Women’s Month sa Marso

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved