Pagpapalakas ng seguridad at pangangalaga sa karapatan ng mga kababaihan sa Lalawigan ng Batangas, nais isulong ni Atty. Cristine Collantes!
Dumalo at nakiisa si Tanauan City Women’s Coordinating Council President Atty. Cristine Collantes sa 1st Quarterly meeting ng Provincial Women’s Coordinating Council Batangas Inc. na ginanap sa Batangas Provincial Capitol kahapon ika- 27 ng Enero 2022.
Kasabay nito ang botohan para sa mga bagong Board of Directors ng nasabing samahan kung saan inihalal si Atty. Cristine at hinirang bilang bagong Executive Vice President ng PWCC.
Tinalakay naman dito ang petsa para sa kanilang pormal na panunumpa, pagbuo ng mga programa para sa sektor ng kababaihan sa Batangas at iba pang mga usapin na kakalinga sa seguridad at karapatan ng mga Batangueña.
Binigyang diin naman ni Atty. Cristine na patuloy na makikibahagi ang Pamahalaan ng Lungsod ng Tanauan sa pakikipagtulungan kay Mayor Sonny Perez Collantes para bigyang suporta ang kanilang mga adhikain sa ating mga kababaihan. Kaniya ring piigtingin ang isang subok at maaasahang serbisyo hindi lamang sa ating Lungsod pati na rin sa buong Lalawigan ng Batangas.