Enrollment Status, Mode of Learning, at TCC Founding Anniversary, tinalakay sa 6th TCC Board of Trustees Meeting
Sa pangunguna ni TCC Board of Trustees Chair Mayor Sonny Perez Collantes, partikular na inanunsyo ng pamunuan ng Tanauan City College ang naitalang pagtaas ng mag-aaral na nag-enroll sa naturang paaralan kung saan umabot na sa 2,147 ang inaasahang freshmen sa darating na 1st Semester, Academic Year 2023.
Kaugnay rito, patuloy na sasailalim pa rin ang TCC sa hybrid mode of learning kung saan may onsite face-to-face at offsite online classes upang ma-accomodate ang lahat ng mag-aaral mula 1st year to 4th year ng bawat kurso.
Samantala, pinag-usapan rin ng mga miyembro ng BOT ang nakatakdang petsa at paghahanda para naman sa paparating na Founding Anniversary ng paaralan sa pangunguna ni TCC OIC Mr. Jun Goguanco.
Kabilang din sa partikular na tinalakay ay ang mga programang konektado sa pagpapalakas ng akademikong aspeto nito tulad ng mga sumusunod:
• Hiring of Vacant Positions
• Part Time Teaching Loads
• Status of Computer System/Software at TCC
• Re-Organization of TCC
• School Uniform Design
• Enrolled CWTS and ROTC students
• ALCUCOA Accreditation of 4 TCC Programs (BPA, BTVTED, BS Entrep, BSCPE)
• Updates on Free Higher Education Funds
Bukod dito, malugod na pinasalamatan din ng ating Punong Lungsod ang lahat ng kawani ng ating Tanauan City College para sa matagumpay na Graduation Ceremony niton ika-28 ng Hulyo.