41st Nankyu Baseball World Championship

Muling magpapamalas ng husay at galing sa larangan ng sports ang ating koponan na Tanauan Baseball Team sa darating na Agosto para sa 41st Nankyu Baseball World Championship na lalahukan din ng iba’t ibang koponan mula sa bawat panig ng mundo!
Bilang pagsuporta, nagpaabot ng tulong pinansyal ang pamahalaang lungsod sa pangunguna ni Mayor Sonny Perez Collantes, kasama si Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes para sa mga Atletang Tanaueño ngayong umaga sa kanilang pagbisita sa Tanggapan ng mga Mamamayan.
Sa mensahe ni Mayor Sonny na palaging nakahandang umagapay ang Pamahalaang Lungsod katuwang ang tanggapan ni Congw. Maitet para sa ating mga atleta at tutugon para sa kanilang mga pangangailangan tungo sa kanilang tagumpay sa larangan ng sports.
Habang bukod sa Care Cards, nagpaabot din ng suportang pinansyal ang pamunuan ng Healthway QualiMed DMMC para sa ating mga Atletang Tanaueño.
Previous Healthway QualiMed DMMC Care Cards ng Ayala Corporation

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved

Exit mobile version