41st Annual Regular General Assembly Meeting ng Talaga Barangay Water Service Cooperative (TBWSC).

Maayos na paghahatid ng malinis na tubig sa Brgy. Talaga, suportado ni Mayor Sonny at Congw. Maitet Collantes!
Nakiisa nitong ika-16 ng Abril sina Mayor Sonny Perez Collantes at Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes sa ginanap nav 41st Annual Regular General Assembly Meeting ng Talaga Barangay Water Service Cooperative (TBWSC).
Sa nasabing aktibidad, kabilang sa mga tinalakay ng kooperatiba ay ang kanilang Development Plan/Annual Budget Plan para sa taong 2023, kasalukuyang water rate, eleksyon ng mga bagong Opisyal ng kooperatiba at ilang mga proyekto tulad ng pagtatayo ng Water Refilling Station at Micro-finance para sa mga miyembro nito.
Habang sa mensahe ni Mayor Sonny, ipinaabot nito ang kaniyang taos pusong pagsuporta ng Pamahalaang Lungsod sa kanilang adhikaing paunlarin ang kanilang kooperatiba. Aniya, ang lokal na pamahalaan ay bukas para sa mga pangangailangan ng kanilang kooperatiba katuwang ang CCLDO Tanauan.
Samantala, nagpaabot din suporta si Congw. Maitet Collantes sa pamamagitan ng pamamahagi ng bigas sa mga miyembro nito. Kaniyang kinilala din ang magandang kontribusyon ng Talaga Water Service upang makapaghatid ng ligtas at malinis na tubig para sa mga mamamayang Tanaueño
Previous General Assembly Day ng Barangay Pantay Bata

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved

Exit mobile version