General Assembly Day ng Barangay Pantay Bata

Paghahatid ng iba’t ibang serbisyong publiko, inihayag ni Mayor Sonny Perez Collantes sa isinagawang Pantay Bata General Assembly!
Nakiisa ang ating Punong Lungsod Sonny sa matagumpay na General Assembly Day ng Barangay Pantay Bata na idinaos kaninang umaga sa Brgy. Pantay Bata Covered Court na dinaluhan ng ating mga Tanaueño mula sa iba’t ibang sektor.
Sa pangunguna ni Mayor Sonny Perez Collantes, kaniyang pinasalamatan ang bawat opisyal ng naturang Barangay na pinamumunuan ni Kapitan Mike Manalo, gayundin ang mga mamamayan para sa pakikipagtulungan nito sa pamahalaang lungsod upang maihatid ang mga serbisyo partikular na sa sektor ng edukasyon, kalusugan at ekonomiya para sa kanilang komunidad.
Ipinaabot din ni Mayor Sonny ang taos pusong pagsuporta sa kanilang Barangay dahil sa kanilang dedikasyon na mapaunlad ang minamahal nilang barangay.
Nakiisa rin si Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes para naman sa pagsulong ng mga panukalang batas na magbibigay ng karagdagang pondo para sa kanilang mga proyekto para sa kanilang Barangay.
Samantala, nagpaabot din ng bigas ang Pamilya Collantes para sa lahat ng pamilya sa Brgy. Pantay Bata bilang suporta sa kanilang pang-araw araw na pangangailangan.
Previous Semi Finals ng Little League Philippines

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved

Exit mobile version