Matagumpay na 22nd Cityhood Celebration, pagbubukas ng at First Aid and CPR Training, tinalakay sa ika-27 na Flag Ceremony
Bagaman maulan, tuloy na pinasinayaan ni Mayor Sonny Perez Collantes ang ika-27 na pagtataas ng Watawat ng Pilipinas sa Pamahalaang Lungsod ng Tanauan kasama ang mga kawani nito at mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod.
Sa ulat-bayan ni Mayor Sonny, kaniyang pinasalamatan ang mga tao at mga tanggapan na nasa likod ng matagumpay na selebrasyon ng ika-22 taong anibersaryo ng Lungsod ng Tanauan nitong nakaraang linggo.
Bukod sa Libreng Surgical Mission para sa mga Tanaueño, malugod din na ibinahagi ng Punong Lungsod na bukas na makikipagtulungan ang ating lokal na pamahalaan sa St. Luke’s Medical Center – Global City at Asian Development Bank upang maghatid ng libreng First Aid at CPR Training para sa ating mga kababayan. Aniya, sa pamamagitan ng programang ito ay mas maraming buhay ang maaaring masagip sa oras ng medikal na pangangailangan.
Samantala, pormal nang binuksan ang “Kasama Wall, #SonnyAll Exhibit” na inisyatibo ng GAD Tanauan kung saan tampok ang mga aktibidad ng Pamahalaang Lungsod ngayong women’s month.