Bagong Admission Policies, paghahanda para sa Batch 2023 Graduation Ceremony at Membership Application sa LCUAA, tinalakay sa 2023 Tanauan City College Board of Trustees Meeting
Sa pangunguna ni Tanauan City College Board of Trustees Chair Mayor Sonny Perez Collantes, kasalukuyan nang pinag-aaralan ng pamunuan ng TCC ang proposed New Admission Policies ng pamantasan katuwang ang bagong miyembro ng TCC BOT na si DepEd Tanauan City SDS Dr. Lourdes Bermudez.
Habang malugod naman na idineklara ng TCC na kasado na ang Graduation Ceremony ng Batch 2023 sa darating na ika-28 ng Hulyo na gaganapin sa Villa Carandang Resort And Function Hall, Brgy. Poblacion 4, Tanauan City.
Aprubado na rin ng komite ang Membership Application ng Tanauan City College sa Local Colleges and Universities Athletic Association (LCUAA) na maghahatid ng karagdagang oportunidad para sa ating mga mag-aaral sa larangan ng sports.
Kabilang din sa partikular na tinalakay ay ang mga programang konektado sa pagpapalakas ng akademikong aspeto nito tulad ng mga sumusunod:
• Building for the Relocation of TCC
• Hiring of Guidance Counselor I and Instructor I (Automotive Trainer)
• Use of Biometrics for the Faculty Attendance
• Admission Updates
• Preparation for 1st Semester A.Y. 2023-2024
• TCC School System and Computerization
Samantala masayang ibinahagi naman ni TCC Administrator Mr. Patrick Mendoza ang ilang mga pagkilalang natanggap ng TCC mula sa CHED Region IV-A tulad ng tagumpay na pagsusumite ng kaukulang mga dokumento para sa CHED Electronic Collection and Knowledge (CHECK) System at Certificate of Program Compliance (COPC).