1st Renewable Solar Powered Public Schools sa Lungsod ng Tanauan!

1st Renewable Solar Powered Public Schools sa Lungsod ng Tanauan!
Hindi na magiging hadlang ang manipis na supply ng kuryente para sa dalawang pampublikong paaralan sa Lungsod ng Tanauan dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay Solar-powered na ang DepEd Tayo Santol ES – Tanauan City at Deped Tayo Malaking Pulo ES – Tanauan City mula sa pakikipagtulungan ni Mayor Sonny Perez Collantes at DepEd Tayo – DepEd Tanauan City sa Solar Tanauan Corporation at Prime Infra Foundation Inc.
Kaugnay rito, matagumpay na Signing of Memorandum of Understanding at Turn Over of Solar Panels rin ang pinasinayaan ni Mayor Sonny katuwang ang pamunuan ng dalawang nasabing paaralan at sina ASDS Rhina O. Ilagan, President and CEO Solar Tanauan Corporation Atty. Cheryll Len Mendoza, Prime Infra Foundation Inc. Executive Director Mr. David Jesus at Solar Tanauan Corp. Project Manager Mr. Juancho Babol at Sangguniang Barangay ng Malaking Pulo at Santol.
Sa pamamagitan ng proyektong ito, kasalukuyang naka-install na ang mga solar panels na mayroong automatic solar electricity supply para sa lahat ng gusali ng bawat paaralan. Mayroon din itong reserbang solar batteries upang tuluy-tuloy ang supply ng kuryente at hindi maantala ang pag-aarala ng ating mga mag-aaral.
Sa mensahe ni Mayor Sonny, kaniyang pinasalamatan ang buong pamunuan ng DepEd Tanauan City, Solar Tanauan Corporation, Prime Infra Foundation Inc. at Razon Group sa patuloy na pag-agapay nito upang mabigyan ng isang sustainable at maayos na pasilidad ang ating mga kabataan.
Bilang isa sa mga investors sa Lungsod, ginarantiya naman ng Solar Tanauan Corporation at Prime Infra Foundation Inc. ang kanilang patuloy na pakikipagtulungan sa bawat komunidad ng Lungsod ng Tanauan sa pamamagitan ng pagbababa ng kanilang Corporate Social Responsibility (CSR) sa bawat sektor at mamamayang Tanaueรฑo.
Previous 1st Mayor SPC Champion’s League, pirmado na!

TANAUAN CITY GOVERMENTยฉ 2022 All Rights Reserved