1st City Development Full Council at 1st City Peace and Order Council para sa taong 2024.

Happy Monday Tanaueños!

Sa pagsisimula ng ika-54 na Pagtataas ng Watawat ng Pilipinas sa Lungsod ng Tanauan, malugod na pinasinayaan ni Mayor Sonny Perez Collantes ang naturang aktibidad sa pamamagitan ng kaniyang ulat-bayan para sa nagdaang linggo kabilang na ang mga sumusunod:

• Courtesy call kasama ang Aster Co., Ltd. sa pangunguna ni CEO Masaomi Suzuki at Co-founder & COO Shanthanu Meno
• Courtesy call kasama ang kinatawan ng Brother Industries
• Pagpupulong para sa Grand Alumni ng Tanauan Institute
• National Supplementary Feeding Program para sa mga Child Development Learners
• Pamamahagi ng livestock insurance
• Pamamahagi ng Ube Setts para sa kababaihan
• Blessing and Inauguration ng bagong gusali para sa Talaga Central School
• Oath taking ng mga promoted at bagong guro ng DepEd Tanauan City
• Recognition Ceremony para sa mga kabataang nasa pangangalaga ng Bahay Pag-asa

• Pakikiisa sa New Year’s Call ng Philippine Air Force

Habang pinasinayaan din ni Mayor Sonny ang pagpupulong para sa 1st City Development Full Council at 1st City Peace and Order Council para sa taong 2024. Kabilang din sa pinangunahang pagpupulong ni Mayor Sonny ang Sangguniang Kabataan Federation Meeting kasama si SK Federation President Ephraigme Bilog.

Personal ding ipinaabot ni Mayor Sonny ang souvenir frames para sa isinagawang oathtaking ceremony para sa sa mga bagong halal na punong barangay ng Lungsod.

Samantala, taos pusong binati rin ni Mayor Sonny ang buong pamunuan ng PNP Tanauan City sa pangunguna ni PLTCOL APOLINARIO I LUNAR para sa kanilang 30th National Ethics Day.

Previous Mabuhay ang mga bagong kasal!💍❤️

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved