Kaugnay pa rin sa pagdiriwang ng Buwan ng mga Kababaihan sa Lungsod ng Tanauan, matagumpay na pinasinayaan ngayong araw ang pagbubukas ng 2024 Womenโs Mini Olympics na pinangunahan ni Tanauan City Womenโs Coordinating Council President Atty Cristine Collantes sa pamamagitan ng Lighting of Torch at Oath of Sportsmanship.
Kabilang din sa inihandang programa katuwang sina Mayor Sonny Perez Collantes, Congw. Maitet Collantes, Gad Tanauan at Tanauan Local Social Welfare and Development ay ang cheerleading competition kung saan nahati sa limang cluster ang 48 mga barangay sa lungsod.
Nakibahagi rin sa nasabing aktibidad sina Congresswoman Ma. Theresa โMaitetโ V. Collantes, mga lider kababaihan ng ibaโt ibang organisasyon at mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod.
Sa kabilang banda, inaasahan na magsisimula ang laban para sa Mini Olympics sa darating na March 9, 10, 16, at 17 kung saan tampok ang Volleyball, Basketball, Palarong Pinoy at iba pa.