Bilang pagsisimula ng 2024 Business One-Stop Shop (BOSS) sa Lungsod ng Tanauan ngayong araw, personal na binisita nina Mayor Sonny Perez Collantes at TWCC President Atty. Cristina Collantes ang Business Permits and Licensing Office (BPLO) ng pamahalaang lungsod upang kumustahin ang kasalukuyang mga transaksyon sa naturang tanggapan sa pamamagitan ng implementasyon ng Tanauan City e-BPLS.
Layon ng One Stop Shop na ito na ilapit sa ating mga kababayang Tanaueño ang mga serbisyong hatid ng ating lokal na pamahalaan at upang matulungan ang mga ito sa pagpoproseso o pagtatayo ng kanilang negosyo sa Lungsod.
Bukod dito, inanunsyo rin ni Mayor Sonny na magkakaroon ng 𝐍𝐎 𝐏𝐄𝐍𝐀𝐋𝐓𝐘 𝐅𝐎𝐑 𝐋𝐎𝐂𝐀𝐋 𝐁𝐔𝐒𝐈𝐍𝐄𝐒𝐒 𝐓𝐀𝐗 hanggang ika-20 ng Enero ngayong taon.
Kaugnay rito, 𝐖𝐀𝐋𝐀 𝐑𝐈𝐍 𝐏𝐇𝐘𝐒𝐈𝐂𝐀𝐋 𝐁𝐔𝐒𝐈𝐍𝐄𝐒𝐒 𝐎𝐍𝐄-𝐒𝐓𝐎𝐏-𝐒𝐇𝐎𝐏 (𝐁𝐎𝐒𝐒) 𝐬𝐚 𝐏𝐫𝐞. 𝐉.𝐏. 𝐋𝐚𝐮𝐫𝐞𝐥 𝐆𝐲𝐦𝐧𝐚𝐬𝐢𝐮𝐦 𝐈 𝐝𝐚𝐡𝐢𝐥 𝐚𝐧𝐠 𝐛𝐮𝐬𝐢𝐧𝐞𝐬𝐬 𝐩𝐞𝐫𝐦𝐢𝐭 𝐚𝐩𝐩𝐥𝐢𝐜𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐚𝐲 𝐠𝐚𝐠𝐚𝐰𝐢𝐧 𝐧𝐚 𝐬𝐚 𝐩𝐚𝐦𝐚𝐦𝐚𝐠𝐢𝐭𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐨𝐧𝐥𝐢𝐧𝐞 𝐚𝐭 𝐦𝐠𝐚 𝐤𝐢𝐨𝐬𝐤 𝐦𝐚𝐜𝐡𝐢𝐧𝐞 na matatagpuan sa New Tanauan City Hall, Waltermart, Victory Mall, at Tanauan City Trading Post.
Bukas ang Business Permit and Licensing Office (BPLO), Lunes hanggang Biyernes mula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon sa New Tanauan City Hall, Brgy. Natatas, Tanauan City, Batangas.