๐‘ท๐‘น๐‘ฌ๐‘บ๐‘ฌ๐‘ต๐‘ป๐‘จ๐‘ป๐‘ฐ๐‘ถ๐‘ต ๐‘ถ๐‘ญ ๐‘ช๐‘ฐ๐‘ป๐’€ ๐‘จ๐‘ต๐‘ป๐‘ฐ-๐‘ซ๐‘น๐‘ผ๐‘ฎ ๐‘จ๐‘ฉ๐‘ผ๐‘บ๐‘ฌ ๐‘ช๐‘ถ๐‘ผ๐‘ต๐‘ช๐‘ฐ๐‘ณ (๐‘ช๐‘จ๐‘ซ๐‘จ๐‘ช)

๐‘ท๐‘น๐‘ฌ๐‘บ๐‘ฌ๐‘ต๐‘ป๐‘จ๐‘ป๐‘ฐ๐‘ถ๐‘ต ๐‘ถ๐‘ญ ๐‘ช๐‘ฐ๐‘ป๐’€ ๐‘จ๐‘ต๐‘ป๐‘ฐ-๐‘ซ๐‘น๐‘ผ๐‘ฎ ๐‘จ๐‘ฉ๐‘ผ๐‘บ๐‘ฌ ๐‘ช๐‘ถ๐‘ผ๐‘ต๐‘ช๐‘ฐ๐‘ณ (๐‘ช๐‘จ๐‘ซ๐‘จ๐‘ช)
TANAUAN CITY โ€” Naging matagumpay ang isinagawang meeting ng mga miyembro ng City Anti-Drug Abuse Council (CADAC) sa pangunguna ng ating butihing Mayor Sonny Perez Collantes, ngayong araw ng Huwebes, ika-29 ng Setyembre 2022.
Tinalakay sa pagpupulong ang mga epektibong hakbang ukol sa pagsugpo ng droga at kriminalidad, nabanggit dito ng ating Punong Lungsod ang importansiya ng PREVENTIONโ€”kung saan bahagi nito ang maayos na edukasyon ng kabataan at pagpapalakas ng Sports; REHABILITATIONโ€” pagbibigay ng mga oportunidad at mga programang pangkabuhayan sa mga biktima ng adiksyon sa droga; ENFORCEMENTโ€”mahusay na regulasyon ng mga polisiya, itinakdang batas at pagbibigay ng karampatang parusa sa mga kaso ng droga. Idinagdag din nya ang kahalagahan ng matibay na koordinasyon ng iba’t ahensiya sa pagsugpo ng droga para mas ligtas na komunidad para sa mga Tanaueรฑo.
Ito ay dinaluhan ng mga opisyal sa iba’t ibang tanggapan ng Pamahalaang Lungsod at mga iba’t-ibang ahensya mula sa PNP-Tanauanโ€”PLTCOL Karlos P. Lanuza, CLGOO (DILG) โ€”Ms. Charlotte Flor Quiza, Office Of the City Schools Division Superintendentโ€”Mr. Rogelio Opulencia, City Prosecutor-Officeโ€”Ms. Amor Larcia Robles, Executive Judge (Regional Trial Court)โ€” Charito M. Macalintal-Sawali, Chief Probation and Paroleโ€”Ms. Anelyn B. Arcardo, City Fire Marshallโ€”SINSP. Rowena S. Ramos, City Warden BJMPโ€”Chief Inspector Marlon D. Barrun, CSWDโ€” Ms. Rebecca D. Javier, City Health Officeโ€”Dr. Anna Angela C. Dalawampu at City Cooperative and Livelihood Officerโ€” Ms. May Teresita Fedino. Naging bahagi rin ng pagpupulong si Konsehal BGEN. Benedicto C. Corona (Ret) na tumatayong Chairperson ng Peace and Order Committee ng Sangguniang Panlungsod.
Nagtapos ang kumperensiya sa makahulugang diyalogo kung saan naibalita ng BJMP na 100% ng kanilang mga kawani ay negatibo sa drug test. Inihayag din ng DepEd na walang naitalang problema sa sektor ng edukasyon na may kinalaman sa ilegal na droga sa lungsod. Nagpaabot naman ng taos pusong suporta ang ating Punong Lungsod para sa mga ilulunsad na plano, programa at mga aksyon kontra-droga ng mga miyembro ng CADAC.
Previous Medical at Burial Assistance sa ilalim ng Local AICS, patuloy na ipinamamahagi ng Pamahalaang Lungsod!

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENTยฉ 2022 All Rights Reserved