𝗛𝗲𝗹𝗽𝗶𝗻𝗴 𝗛𝗮𝗻𝗱𝘀 𝗠𝗲𝗱𝗶𝗰𝗮𝗹 𝗠𝗶𝘀𝘀𝗶𝗼𝗻

𝗛𝗲𝗹𝗽𝗶𝗻𝗴 𝗛𝗮𝗻𝗱𝘀 𝗠𝗲𝗱𝗶𝗰𝗮𝗹 𝗠𝗶𝘀𝘀𝗶𝗼𝗻, 𝗺𝗮𝗸𝗶𝗸𝗶𝗽𝗮𝗴𝘁𝘂𝗹𝘂𝗻𝗴𝗮𝗻 𝘀𝗮 𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗣𝘂𝗻𝗼𝗻𝗴 𝗟𝘂𝗻𝗴𝘀𝗼𝗱 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗶𝘀𝗮𝘀𝗮𝗴𝗮𝘄𝗮𝗻𝗴 𝗠𝗲𝗱𝗶𝗰𝗮𝗹 𝗠𝗶𝘀𝘀𝗶𝗼𝗻 𝘀𝗮 𝗧𝗮𝗻𝗮𝘂𝗮𝗻!
Nagtungo ang mga opisyales ng Helping Hands Medical Mission sa Tanggapan ng mga Mamamayan ngayong araw upang personal na ipaalam sa ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes ang kanilang isasagawang Medical Mission sa ating Lungsod sa susunod na taon.
Sa pagsasakatuparan, ikinatuwa nina Mayor Sonny, Atty. Cristine Collantes at ni City Administrator Mr. Wilfredo Ablao ang kanilang ihahatid na serbisyo sa ating mga kababayan, at nangako ring magpapadala ng Assistance mula sa tanggapan ng City Health Office upang kanilang maging katuwang sa nasabing programa.
Samantala, ito ay bunga ng patuloy na pakikipag-ugnayan ni Mayor Sonny sa mga pribadong sektor sa Tanauaun upang makibahagi sa kaniyang mga hakbangin na tugunan at makatulong sa mga pangangailangan ng ating mga kababayan.
Previous Mga Siklista mula sa iba’t ibang bayan, nakiisa sa Tanauan City Road Race

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved