Bilang pagsisimula ng “National Disability Right Week” sa Lungsod, pinasinayaan ngayong araw nina Mayor Sonny Perez Collantes, TCWCC President Atty. Cristine Collantes at Pdao Tanauan ang isang seminar para sa mga magulang at guardian ng ating mga differently-abled na kabataan na pinamagatang “Fostering Positive and Effective Parenting of Children with Disabilities”.
Mula sa temang “Promoting Inclusion: “Celebrating Abilities and Advocating Access”, layon ng aktibidad na ito bigyan ng iba’t ibang positive parenting advices ang ating mga kababayan patungkol sa mga pangangailangan ng kanilang mga anak.
Sa mensahe ni Mayor Sonny, binigyang-diin nito ang pagkilala sa karapatan at benepisyong dapat natatamasa ng ating mga differently-abled na kababayn. Aniya, mahalaga ang suporta ng komunidad upang matulungan ang sektor ng PWD upang mabigyan sila ng angkop na programa batay sa kanilang pangangailangan.
Kabahagi rin sa programang ito ang Philippine Manufacturing Co. of Murata, Tanauan Local Social Welfare and Development sa pamumuno ni Ms. Vicky Javier at mga kinatawan ng iba’t ibang sektor na kaisa ng Pamahalaang Lungsod sa pagahhatid ng serbisyong publiko para sa bawat pamilyang Tanaueño.
#NationalDisabilityRightsWeek
#CityGovernmentOfTanauan
#TanauanCityBatangas