Wawa National High School, nakatanggap ng mga Computer Sets mula sa Honda Philippine, Inc!

Bilang bahagi ng Corporate Social Responsibility (CSR) ng kumpanyang Honda Philippines, Inc, sila ay naghandog ng Computer Sets sa Wawa National High School.

Sa mensahe ni Mayor Sonny Perez Collantes kaniyang pinasalamatan ang naturang kumpanya bilang bahagi ng ating Pamahalaang Lungsod para sa pagpapalago ng Lokal na Ekonomiya ng Tanauan. Pinuri niya rin ang kanilang pakikiisa upang bigyan ng suporta ang ating mga mag-aaral sa pamamagitan ng ganitong uri ng proyekto.

Labis naman ang tuwa ng mga guro at mag-aaral sa kanilang tinanggap na mga Computer Sets, dahil makatutulong ito para sa kanilang mga aktibidad at mapapalawak ang kanilang kaalaman patungkol sa wastong paggamit ng teknolohiya.

Previous Educational Assistance para sa mga mag-aaral mula Altura South, Altura Matanda at Altura Bata, inihatid ng Pamahalaang Lungsod ngayong araw!

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved

Exit mobile version