TINGNAN | Nawawalang Batang Babae

TINGNAN | Nawawalang Batang Babae, agad na naibalik sa kaniyang mga magulang sa tulong ng ating mga Volunteer Group.
Sa pamamagitan ng mga nakatalagang volunteer group ngayong UNDAS, agad na nabigyang aksyon ang paghahanap sa batang nawalay sa kaniyang magulang bunsod ng pagrami ng bumibisita sa ating mga sementeryo.
Sa kabutihang palad, isang nagmamalasakit na residente mula sa Barangay Natatas ang nakakita sa bata at agad na itinawag sa UNITED KABALIKAT CIVICOM kung saan mabilis ring ipinagbigay alam ng grupo sa kaniyang mga magulang.
Kasama na ngayon ng kaniyang mga magulang ang nasabing bata matapos itong sunduin ng kaniyang lola sa estasyon ng mga Volunteer Group sa Himlayan.
Previous #UNDAS2022 | As of 6:00 PM, patuloy ang pagdagsa ng ating mga kababayan sa Himlayan at Tanauan Public Cemetery

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved

Exit mobile version