TANAW ang LIWANAG ngayong PASKO! Christmas Lighting

TANAW ang LIWANAG ngayong PASKO!
Naging makulay at napuno ng kasiyahan ang Lungsod ng Tanauan kagabi para sa pormal na pagsisimula ng Christmas Lighting na ginanap sa Mabini Plaza at New Tanauan City Hall. Ito ay pinangunahan ng ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes kasama sina Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes, Bokal Fred Corona, Vice Mayor Atty. JunJun Trinidad, Atty. Cristine Collantes at Atty. King Collantes, Former Tanauan City Mayor Atty. Jhoanna Corona, mga kapitan, mga Department Managers kasama ang bumubuo ng Sangguniang Panlungsod na sina Kon. Sam Torres Aquino Bengzon, Kon. Eugene Yson, Kon. Glen Win Gonzales, Kon. Marissa Tabing, Kon. Herman de Sagun, Kon. Czylene Marqueses, Kon. Ben Corona, Kon. Angel Burgos, Kon. Dra Guelos at Kon. Eric Manglo.
Ito ay regalo ng ating butihing Mayor sa bawat Tanaueño upang bigyang ningning at liwanag ang paparating na kapaskuhan sa ating Lungsod. Handog din ito sa ating unti-unting pagbangon at pagkakaisa sa kabila ng mga pagsubok na ating kinaharap sa nakalipas mga buwan at taon.
Bumida naman kagabi ang napakagandang Fireworks display at mahuhusay na mga banda na nagtanghal upang magbigay aliw sa mga dumalo nating mga kababayan. Samantala, ito ay magpapatuloy kada Sabado para magbigay saya sa bawat isa upang magkaroon ng mapapasyalan ngayong Christmas Season.
Ayon sa ating butihing Mayor ito ay simbolo ng maliwanag na kapaskuhan at bagong simula para sa tuloy-tuloy na progresibo sa Lungsod ng Tanauan.
Maligayang Pasko at Manigong bagong taon sa ating lahat!
Previous LOOK | Pormal na ring pinailawan ang New City Hall

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved

Exit mobile version