Tanaueñang si Ms. Erin Gail H. Esquivel itinanghal bilang MS. PCADU AMBASSADRESS BATANGAS 2023

Sa pangunguna ni Mayor Sonny Perez Collantes, malugod na nagpaabot ng pagbati ang Pamahalaang Lungsod ng Tanauan sa ating Tanaueñang si Ms. Erin Gail H. Esquivel na itinanghal bilang MS. PCADU AMBASSADRESS BATANGAS 2023 sa kaniyang pagbisita sa Tanggapan ng mga Mamamayan kasama si Tanauan City PNP Chief PLTCOL JOHN G RELLIAN.
Si Ms. Esquivel ang nagsilbing kinatawan ng Tanauan City PNP para sa nasabing kompetisyon na pinangunahan ng PNP Provincial Office at dinaluhan ng iba’t ibang kababaihan sa sa Lalawigan ng Batangas na siyang magsisilbing kinatawan para sa pagpapapakilala ng iba’t ibang adboksiya, plano at mga programa ng ating mga kapulisan.
Sa mensahe ni Mayor Sonny, kaniyang buong pusong ipinaabot ang suporta sa magandang adhikain ng PNP at ng Provincial Community Affairs Development Unit at tiniyak ang pakikipagtulungan ng Pamahalaang Lungsod upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan para sa ating mga mamamayan.
Previous Mandatory Inspection for all Tricycle Vehicle

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved

Exit mobile version