Tanaueña Pride na si Miss World PH Tourism Ms. Patricia Tapia, binigyang-pagkilala ni Mayor Sonny Perez Collantes

Isa nanamang panibagong karangalan para sa Lungsod ng Tanauan ang naiuwi ng kababayang si Ms. Patricia Bianca Narvaez Tapia mula sa Poblacion 4, matapos koronahan bilang Miss World Philippines Tourism 2024.
Kasama sina Mayor Sonny Perez Collantes, kanilang pinuri ang simbolo ng kagandahan at husay ng mga Tanaueña. Kanila ring binigyang-pagkilala ang tagumpay na nakamit ni Ms. Patricia bilang isang inspirasyon para sa ating mga kabataang Tanaueña.
Mula sa 33 na mga kandidata, tagumpay na nasungkit ni Ms. Patricia Bianca Tapia ang korona bilang Miss World Philippines Tourism 2024 at kasalukuyang kaisa ng Miss World Philippines Organization sa paghahatid ng iba’t ibang charitable programs.
Sa ngalan ng buong pamunuan ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan, isang taos pusong pagbati sa iyong tagumpay. Mabuhay ang bawat isang kabataang Tanaueño!
Previous Libreng Pap Smear: “Babae, Mahalaga Ka”

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved

Exit mobile version