𝐏𝐚𝐠𝐠𝐮𝐧𝐢𝐭𝐚 𝐧𝐠 “𝐍𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐃𝐢𝐬𝐚𝐛𝐢𝐥𝐢𝐭𝐲 𝐑𝐢𝐠𝐡𝐭 𝐖𝐞𝐞𝐤”, 𝐬𝐢𝐧𝐢𝐦𝐮𝐥𝐚𝐧 𝐧𝐚 𝐬𝐚 𝐋𝐮𝐧𝐠𝐬𝐨𝐝 𝐧𝐠 𝐓𝐚𝐧𝐚𝐮𝐚𝐧

Bilang pagsisimula ng “National Disability Right Week” sa Lungsod, pinasinayaan ngayong araw nina Mayor Sonny Perez Collantes, TCWCC President Atty. Cristine Collantes at Pdao Tanauan ang isang seminar para sa mga magulang at guardian ng mga differently-abled na kabataan na pinamagatang “Fostering Positive and Effective Parenting of Children with Disabilities”.
Mula sa temang “Promoting Inclusion: “Celebrating Abilities and Advocating Access”, layon ng aktibidad na ito bigyan ng iba’t ibang positive parenting advices ang mga kababayan patungkol sa mga pangangailangan ng kanilang mga anak.
Sa mensahe ni Mayor Sonny, binigyang-diin nito ang pagkilala sa karapatan at benepisyong dapat natatamasa ng  mga differently-abled na kababayn. Aniya, mahalaga ang suporta ng komunidad upang matulungan ang sektor ng PWD upang mabigyan sila ng angkop na programa batay sa kanilang pangangailanga.
Kabahagi rin sa programang ito ang Philippine Manufacturing Co. of Murata, Tanauan Local Social Welfare and Development sa pamumuno ni Ms. Vicky Javier at mga kinatawan ng iba’t ibang sektor na kaisa ng Pamahalaang Lungsod sa pagahhatid ng serbisyong publiko para sa bawat pamilyang Tanaueño.
Previous Tanaueña Pride na si Miss World PH Tourism Ms. Patricia Tapia, binigyang-pagkilala ni Mayor Sonny Perez Collantes

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved

Exit mobile version