Tanauan City College Graduates, Batch of 2023!

Congratulations! Tanauan City College Graduates, Batch of 2023!
Tagumpay ang isinagawang 5th Commencement Exercises ng 220 na mag-aaral mula sa Batch 2023 ng ating Tanauan City College! Pinangunahan ito ni 3rd District Chief of Staff Atty. King Collantes bilang kinatawan ni TCC Board of Trustees Mayor Sonny Perez Collantes, kasama ng mga kawani ng nasabing paaralan sa pamumuno ni TCC Officer-In-Charge Mr. Jun Goguanco.
Sa mensaheng ipinaabot ni Atty. King, kaniyang binigyang-diin ang kahalagahan ng edukasyon bilang armas upang umunlad at maabot ang tagumpay sa buhay. Aniya, nawa’y sa pamamagitan ng Tanauan City College na naghatid ng libreng edukasyon para sa mga Tanaueñong mag-aaral ay magsilbi sana itong pundasyon upang makapaghatid din ng progreso ito para sa Lungsod ng Tanauan sa tulong ng ating mga graduates.
Kabilang din sa dumalo at nagpaabot ng suporta ay sina Vice Mayor Atty. Jun-Jun Trinidad mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod, Association of Local Colleges and Universities (ALCU) Representative Mr. Raymundo Arcega, Faculty Association President Ms. Lally Marfa Castillo, TCC Vice President for AFA, Dr. Wilma Weng P. Casalme at mga teaching and non-teaching staffs ng Tanauan City College.
Habang nagsilbing Commencement Speaker naman si Third District Board Member Fred Corona kung saan kaniyang ibinahagi ang “The True Decalogue” ni Gat. Apolinario Mabini na maaaring gawing gabay ng ating mga nagsipagtapos upang malaman ang kanilang buhay na tatahakin pagkatapos ng buhay-kolehiyo.
Previous Educational Assistance Brgy. Bagumbayan at Hidalgo!

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved

Exit mobile version