Sinimulan ng ating Punong Lungsod ang paggunita sa araw ng Undas sa pamamagitan ng pag-aalay ng dasal at bulaklak sa mga dating Mayor na naglingkod sa Lungsod ng Tanauan.
Ikinatuwa naman ito ng mga kapamilya ng mga dating Mayor dahil sa kauna-unahang pagkakataon, isang Mayor ang personal na dumalaw at nag-alay ng panalangin at bulaklak sa puntod ng mga dating nagsilbi bilang ama ng Lungsod ng Tanauan.
Isang mapayapa at mataimtim na paggunita ng araw ng Undas sa ating lahat!