Sikat na rapper sa Japan, Kaagapay ng Pamahalaang Lungsod sa pagsuporta sa talento ng bawat Tanaueño

Nagtungo ngayong araw sa Tanggapan ng mga Mamamayan ang sikat na Rapper sa Japan na si DJ Bell para sa isang courtesy visit.
Kasama sina Atty. Cristine Collantes at Community Affairs Office Head Ed Jallores, Tinalakay ang mga programang lilinang sa husay at talento ng bawat Tanaueño. Bahagi nito, ipinaalam ni Mayor Sonny ang pakikipagtulungan ng Pamahalaang Lungsod sa mga pribadong sektor upang pagyabungin ang natatanging galing ng ating mga kabataan sa larangan ng pagkanta at pagsasayaw.
Naghandog naman ang nasabing celebrity ng munting regalo sa ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes kasama ang kaniyang music album na naglalaman ng kaniyang mga awitin.
Previous LOOK | Nabakunahan na ng pangalawang Booster Dose ang ating Punong Lungsod

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved

Exit mobile version