Signing of LSB Resolutions, at estado ng mga karagdagang kagamitan sa mga paaralan, tinalakay sa 4th Local School Board

Signing of LSB Resolutions, at estado ng mga karagdagang kagamitan sa mga paaralan, tinalakay sa 4th Local School Board
Bagaman nakaranas ng kawalan ng supply ng kuryente ang New City Hall Building ngayong hapon, hindi naging hadlang ito upang ituloy ang 4th Local School Board Meeting na pinangunahan ni Mayor Sonny Perez Collantes kasama ang LSB members at mga kinatawan mula sa Tanauan City Schools Division Office.
Ilan sa partikular na pinagkasunduan ng komite ay ang Signing of Local School Board Resolutions sa Lunes, ika-22 ng Mayo. Kabilang sa mga aprubado at nakatadang pirmahan ay ang mga sumusunod:
• 2023 Approved SEF Budget
• Building Construction of National Child Development Center
• Special Program on Science-Research (Tanauan City High School)
• TESDA-National Competency I and II of TVL Learners from Pantay Integrated High School, Balele Integrated High School, at Tanauan School of Fisheries
• Construction of Building – approved as amended
Samantala, iniulat din sa LSB meeting na kasalukuyang naipamahagi na ang karagdagang armchairs sa mga pampublikong paaralan sa lungsod. Habang on-process na rin ang Re-Procurement ng mga Textbooks para sa Senior Highschool, Approved Learning Materials at School Supplies para sa mga mag-aaral mula Kinder hanggang Grade 12 sa Lungsod ng Tanauan.
Bukod ditto, aprubado na rin ang budget para sa 36 na mga mag-aaral ng Lungsod na lalahok para sa 2023 Regional School Press Conference na gaganapin sa Lemery, Batangas at Trece Martires Cavite.
Previous DOLE TUPAD Payout para sa mahigit 300 na mga Batangueño, tagumpay na naipamahagi ng Pamahalaang Lungsod at ni Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes!

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved

Exit mobile version