Scholarship Grant para sa mga estudyanteng Tanaueño, handog ng Tanauan City Advisory Council for PNP!
Bilang bahagi ng “Project Kaagapay” ng Tanauan City Advisory Council for PNP, naging matagumpay kahapon ika-13 ng Disyembre, ang isinagawang “Signing of the memorandum of agreement” sa pagitan ng Tanauan City Schools Division Office, School Heads at Tanauan City Advisory Council for PNP para sa handog na scholarship grant sa tatlong mag-aaral mula sa Tinurik National High School, DepEd Tayo Balele IHS – Tanauan City at DepEd Tayo – Bernardo Lirio NHS – Tanauan City.
Kasabay nito, hinandugan din ng grocery packs ang mga bagong scholars kasama ang kanilang pamilya, “Isa po ito sa mga programang nailatag ng grupo (Tanauan City Advisory Council for PNP) in cooperation with DepEd, nawa po’y mas marami pa tayong matulungan katuwang ang ating mga kapulisan” aniya Atty. Anna Marie T. Querer (Chairperson of Tanauan City Advisory Group).
Samantala, binigyang diin din ni Co-Chairperson Mr. Edgar Perez ang patuloy na pagsisikap ng grupo na maparami pa ang mahandugan ng scholarship grant at mas mapalawak pa ang kooperasyon ng grupo sa iba’t ibang sektor sa lungsod.
Kaugnay nito, patuloy naman ang suporta ng ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes sa hanay ng ating mga kapulisan para sa kanilang aktibong pakikipagtulungan sa Pamahalaang Lungsod tulad ng Gift Giving Activity at pagbaba sa mga barangay at mga paaaralan para sa mga Outreach Program.
Dumalo din sa naturang programa sina Pastor Danilo Velasco—Religious section, Mr. Rommel Villanueva—Senior Education Program Specialist, Dr. Maximo L. Custudio—School Governance and Operations Division Chief, Mrs. Lilibeth Cabrera – Prinicipal (Bernardo Lirio national High School), Mrs. Marites Miranda—Principal III (Tinurik National High School), Mr. Benedick Rodriguez TIC (Balele Integrated High School) at kinatawan ng PNP- Tanauan– PCPL Ivan Kenneth R. De Ocampo at Tanauan City Information Office.