Sagip Pamilya Community Homeowners Association Oathtaking

TINGNAN | Oathtaking ng bagong Sagip Pamilya Community Homeowners Association, pinangunahan ni Mayor Sonny!
Sa pangunguna ni Presiding Officer Mayor Sonny Perez Collantes, pormal nang nanumpa bilang mga bagong miyembro ng Sagip Pamilya Community Homeowners Association ang ating mga kababayan na nakatakdang maging benepisyaryo ng nasabing housing project.
Nagsilbi namang saksi sa naganap na panunumpa sina TWCC President Atty. Cristine Collantes at mga kinatawan mula Housing and Settllement Office at City Planning and Development.
Ang nasabing samahan ay binubuo ng mga Tanaueñong nakatira sa disaster-prone areas. Layon ng asosasyong ito na maging kaagapay ng lokal na pamahalaan at ng DHSUD sa paghahatid ng iba’t ibang programa para sa mga target beneficiaries ng pabahay na ito.
Ang pagtatatag nito ay alinsunod din sa itinakdang requisite requirement para sa Housing Finance Assessment and Evaluation sa ilalim ng Community Guided Financing Framework ng Social Housing Finance Corporation.
Previous Moving up Ceremony mula sa Brgy. Ambulong, Bañadero, Maugat, Talaga at Honorato

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved

Exit mobile version