Recreational Training Workshop at Education Week para sa mga Teaching and Non-Teaching Personnel sa Lungsod ng Tanauan, inihatid ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan at ng Tanauan City Schools Division
Mula sa inisyatibo ni Local Schoool Board Chair Mayor Sonny Perez Collantes at ng Tanauan City Schools Division, tagumpay na pinasinayaan kahapon, ika-18 ng Disyembre ang Training Workshop at Education Week para sa ating mga guro at non-teaching personnel sa Lungsod ng Tanauan.
Layunin ng pagasasanay na ito na maghatid ng iba’t ibang recreational activities patungkol sa “Socio-emotional functioning” at pagpapalakas ng pisikal at mentalidad ng ating mga kawaning katuwang sa paghahatid ng dekalidad na edukasyon para sa Kabataang Tanaueño.
Bukod dito, nagpaabot din ang Pamahalaang Lungsod ng tulong pinansyal at mga raffle prizes para sa lahat ng kawaning nakiisa.
Kabilang din sa nakiisa upang magpaabot suporta at munting regalo ngayong Kapaskuhan sina Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes, Atty. Cristine Collantes, Atty. King Collantes, City Administrator Mr. Wilfredo Ablao, Tanauan City Schools Division Superintendent Mr. Rogelio F. Opulencia, ASDS Ms. Rhina O. Ilagan at mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod.