Programa para sa mga Person With Disability.

Programa para sa mga Person With Disability, patuloy na ibinababa sa ating mamamayan!
Dahil sa patuloy na pakikinig ni Mayor Sonny Perez Collantes sa bawat sektor sa Lungsod ng Tanauan, tuloy-tuloy ang isinasagawang mga programa ng Pamahalaang Lungsod upang maiparamdam sa bawat mamamayan na palaging nakaagapay ang ating Lokal na Pamahalaan para sa kanila.
Kaya naman, katuwang ang Person with Disability Affairs Office sa pamumuno ni Mr. Alex Lanting, naisakatuparan kahapon ang pamamahagi ng libreng wheel Chairs para sa apat nating mga kababayan. Kasabay nito, ang pagpapaabot ng tulong sa ating mga Tanaueño na bahagi ng Mortuary Assistance Program ni Mayor Sonny.
Kaugnay nito, tuloy tuloy ang pagkalap ni Mayor Sonny ng mga ideya sa bawat komunidad at sektor upang mapalawig ang mga proyektong tutugon sa kanilang mga pangangailangan.
Previous Pansamantalang Tuluyan ng naapektuhan ng sunog.

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved

Exit mobile version