Problema na Water Supply sa Barangay Sulpoc

Problema na Water Supply sa Barangay Sulpoc, binigyang aksyon ng ating Punong Lungsod!
Sa patuloy na pakikinig ni Mayor Sonny Perez Collantes
sa mga hinaing ng ating mga kababayan, kanilang inimbitahan ni Atty. Cristine Collantes ang Stakeholder Relations Manager ng South Luzon Water District Mr. Alton Naga para solusyonan ang kakulangan ng water supply sa Sitio Timbain at sa ilang bahagi ng Barangay Sulpoc.
Inaasahan naman na bago matapos ang taon ay mabibigyan ng aksyon ang nasabing problema dahil sa mungkahi ng ating butihing Mayor na mapabilis at maisaayos ang kanilang serbisyo para sa ating mga kababayan.
Kalakip nito, nakahandang tumulong ang South Luzon Water District sa mga atleta ng ating Lungsod kung saan sila ay maghahandog ng libreng Installation line para sa maayos na linya ng tubig sa swimming pool ng ating Sports Academy.
Naghandog naman ng ilang kahon ng Hand sanitizer ang naturang kumpanya bilang donasyon sa mga kawani ng ating Pamahalaang Lungsod.
By: Fash
Previous Barangay BAGBAG! aarangkada na ang Serbisyong Publiko Caravan sa inyong lugar!

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved

Exit mobile version