Pagpapalakas ng Lokal na Ekonomiya, magkatuwang na ihahatid ni Mayor Sonny at Philippine Chinese Chamber of Commerce and Industry Inc.
Isang makabuluhang talakayan nitong Lunes ang pinasimulan ni Mayor Sonny Perez Collantes at Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes kasama ang mga kinatawan mula Philippine Chinese Chamber of Commerce and Industry Inc. upang patuloy na palakasin ang lokal na ekonomiya ng Lungsod.
Sa kanilang pagpupulong, nagpasalamat si Mayor Sonny sa pagbisita ng nasabing grupo sa pangunguna nina PCCCII President Mr. Ken Ang at Secretary Mr. Jimmy Almerino. Ayon sa ating Alkalde, nakatutuwang pagkakataon para sa Lungsod ng Tanauan na magkaroon ng ugnayan sa mga organisasyong makatutulong ss paghahatid ng ‘investments’ at trabaho para sa mga Tanaueño.
Habang ginarantiya rin ni PCCCII President na patuloy na kabahagi ng lokal na pamahalaan ang kanilang samahan para lalong paunlarin ang iba’t ibang industriya sa ating lungsod.
Samantala, nagpaabot din ng malugod na pagbati ang nasabing organisasyon sa mainit na pagtanggap at nagpaabot din ng imbitasyon para sa kanilang magaganap na inagurasyon sa darating Agosto.