Pamamahagi ng Tulong Pinansiyal sa mga Tanaueño

IN PHOTOS | Pangangailangang pinansiyal ng ating mga kababayan, sabay-sabay na tinugunan ng ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes !
Sabay-sabay na kinausap ni Mayor Sonny Perez Collantes ang mga dumulog ngayong araw sa Tanggapan ng mga Mamamayan ng Lungsod ng Tanauan na nangangailangan ng tulong pinansiyal para sa financial, hospitalization at burial assistance.
Sinigurado naman ni Mayor Sonny na regular na aktibidad ng Pamahalaang Lungsod ang pamamahagi nito sa tamang iskedyul upang matiyak ang maayos at mabilis na pagtugon sa mga pangangailangan ng mga Tanaueño.
Samantala, bukas naman mula Lunes hanggang Biyernes ang Tanggapan ng mga Mamamayan ng Lungsod ng Tanauan para sa ating mga kababayang nais humingi ng tulong.
Previous Coordination Meeting on the Implementation of TB Case Finding

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved

Exit mobile version