Oathtaking ng mga Newly-hired at Promoted na mga Guro!

Oathtaking ng mga Newly-hired at Promoted na mga Guro, pinangunahan ni Mayor Sonny Perez Collantes!
Sa pangunguna ni Mayor Sonny Perez Collantes ay pormal nang nanumpa sa kanilang katungkulan ang 84 na mga guro mula sa pampublikong paaralan sa Lungsod ng Tanauan.
Ang mga nasabing guro ay kasalukuyan nang naka-deploy at katuwang ng Lokal na Pamahalaan sa mga pampublikong paaralan upang masiguradong nabibigyan ng kaukulang kaalaman at kasanayan ang ating mga mag-aaral na Tanaueño.
Kasabay nito ay taos pusong nagpasalamat din ang ating Punong Lungsod dahil sa kanilang dedikasyon at pakikipagtulungan upang masigurong dekalidad ang edukasyon ng bawat Kabataang Tanaueño.
No photo description available.
Previous 𝗦𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹 𝗦𝘂𝗽𝗽𝗹𝗶𝗲𝘀 𝗮𝘁 𝗙𝗹𝗲𝘅𝗶𝗯𝗹𝗲 𝗨𝗻𝗶𝗳𝗼𝗿𝗺𝘀 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗞𝗮𝗯𝗮𝘁𝗮𝗮𝗻𝗴 𝗧𝗮𝗻𝗮𝘂𝗲ñ𝗼

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved