Mrs. Grand International 2022 Imperial Winner Patrizha Meer-Banzuela, binigyang-pagkilala ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan!

Mrs. Grand International 2022 Imperial Winner Patrizha Meer-Banzuela, binigyang-pagkilala ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan!
Panibagong karangalan ang naiuwi ng ating kapwa Tanaueño na si Mrs. Patrizha Meer-Banzuela mula Brgy. Janopol Oriental ng itanghal bilang Mrs Grand International 2022 Imperial Winner nitong ika-15 ng Nobyembre sa Mandalay, Myanmar at nilahukan ng mahigit 60 delegado mula sa iba’t ibang bansa.
Sa pagbisita ni Mrs. Patrizha sa Tanggapan ng mga Mamamayan, binigyang-pagkilala ng ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes ang kaniyang ipinamalas na husay at galing sa nasabing patimpalak.
Aniya, tagumpay na maituturing para sa ating Lungsod na isa sa ating mga kababayan ang naging kinatawan ng bansa para sa isang prestiiyosong patimpalak tulad ng Mrs Grand International. Ito ang patunay na ang ganda at talino ng ating mga Tanaueña ay maipagmamalaki, hindi lang sa ating Lungsod at Lalawigan, lalo’t higit sa iba’t ibang panig ng mundo.
Bukod sa pagiging title holder, nasungkit din ni Mrs. Patrizha ang Best Model Award, Photogenic Award at Best in Evening Award.
Muli, sa ngalan ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan sa pangunguna ni Mayor Sonny Perez Collantes, taos pusong pagbati Mrs. Grand International 2022 Patrizha Meer-Banzuela! Ang tagumpay mo, ay tagumpay ng ating mahal na Lungsod ng Tanauan!
Previous Pamaskong Handog para sa mga Tanaueño, ipinaabot ng Pamilya Collantes katuwang ang Tanauan Institute Community Extension and Services at NSTP office.

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved

Exit mobile version