Mga bagong computer sets ang nakatakdang ihatid ng Honda Foundation Inc. para sa mga mag-aaral na Tanaueño ngayong Pebrero!

Mga bagong computer sets ang nakatakdang ihatid ng Honda Foundation Inc. para sa mga mag-aaral na Tanaueño ngayong Pebrero matapos na makipag-ugnayan ang nasabing kumpanya kay Mayor Sonny Perez Collantes at DepEd Tayo – DepEd Tanauan City.

Ayon kay Honda Foundation Inc. CSR Executive Director Ms. Crecelle San Jose, ang paghahatid ng libreng kagamitan para sa mga mag-aaral ay bahagi ng kanilang isinasagawang Corporate Social Responsibility (CSR) upang matugunan ang pangangailangan ng bawat pampublikong paaralan.

Kaugnay rito, taos pusong nagpasalamat din si Mayor Sonny Perez Collantes sa kanilang inisyatibong mabigyan ng dekalidad na edukasyon ang bawat Tanaueño.

#HondaFoundationInc.
#CityGovernmentOfTanauan
#TanauanCityBatangas

Previous Matagumpay na naisagawa ngayong araw ang 2nd Regular Meeting ng Federation of Senior Citizens sa Lungsod ng Tanauan

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved

Exit mobile version