Centenarian mula sa Brgy. Banjo West at Bagbag, personal na binisita ng ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes!

Bilang muling pagkilala sa ating mag centenarian sa Lungsod ng Tanauan, personal na binisita ng ating Punong Lungsod Mayor Sonny Perez Collantes ang mga centenarian na sina Mrs. Natividad Briones ng Brgy. Banjo West at Mrs. Agustina S. Evangelista ng Brgy. Bagbag.

Personal ding ipinaabot nina Mayor Sonny at Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes, katuwang mga kawani mula Tanauan Local Social Welfare and Development at mga opisyal ng Federation of Senior Citizens Tanauan ang Birthday Cash gifts para sa mga centinarians.

Ang inisyatibong ito ay bahagi ng pagpapaigting ng implementasyon ng R.A. 10868 o Centenarians Act of 2016 sa ating Lungsod na layong ihatid ang karagdagang benepisyo para sa ating mga kababayan at upang masiguradong naibaba ng lokal na pamahalaan ang mga programa para sa ating mga Senior Citizens.

Previous Mga bagong computer sets ang nakatakdang ihatid ng Honda Foundation Inc. para sa mga mag-aaral na Tanaueño ngayong Pebrero!

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved

Exit mobile version