Mayor Sonny, kinilala ang Husay at Talino ng ating kabataan sa larangan ng Matematika!

Mayor Sonny, kinilala ang Husay at Talino ng ating kabataan sa larangan ng Matematika!
Panibagong kabataang Tanaueño ang muling namayagpag sa larangan ng Matematika matapos lumahok at gawaran ng “Certificate of Merit” ang ating Tanaueñang si Earlyn Angelie Gopio sa ginanap na 2023 Global Mathematics Competition sa Hanoi, Vietnam.
Sa pagbisita ni Earlyn sa Tanggapan ng mga Mamamayan, isang taos pusong pagbati ang ipinaabot nina Mayor Sonny Perez Collantes at TWCC President Atty. Cristine Collantes sa ating Math Wizard.
Ang nasabing prestihiyosong kompetisyon ay nilahukan ng mga mag-aaral mula Grade 4-8 na Mathlympics finalists ng Asya kung saan isa si Earlyn rito.
Nanindigan din si Mayor Sonny na patuloy itong aagapay ang Pamahalaang Lungsod sa pagsuporta sa bawat kabataang Tanaueño na patuloy na nagpapamalas ng husay at talino sa loob at labas ng bansa.
Previous Sitwasyon ng ating mga Madrasa Teachers sa Lungsod, idinulog kay Mayor Sonny!

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved

Exit mobile version