Mayor Sonny Collantes | Sa Lungsod ng Tanauan, tinutugunan ang pangangailangan ng ating mga Vendors!
Isa-isang inalam ni Mayor Sonny Collantes sa pagpupulong kasama ang mga Vendors ng 216 sa Barangay Darasa, ang kanilang pangunahing pangangailangan mula sa ating Lokal na Pamahalaan.
Kasama ang City Engineering Office, City Legal Office, Business Permit and Licensing Office at City Planning and Development Office ipinabatid ng ating Punong Lungsod ang serbisyo upang bigyang aksyon at tugunan ang kanilang mga kahilingan bilang mga maliliit na mamumuhunan sa Lungsod ng Tanauan.
Paraan ito ng ating Punong Lungsod Mayor Sonny Perez Collantes para sa pagkalap ng mas malawak pang mga programa sa kanilang at masigurong walang maiiwan sa tuloy-tuloy na progreso ng Lungsod ng Tanauan.