LOOK | Libreng Bulaklak at Red Velvet Cookies, handog ni Mayor Sonny Perez Collantes para sa bawat babaeng kawani ng Pamahalaang Lungsod!

Kaugnay ng pagdiriwang ng #ValentinesDay2024 sa Pamahalaang Lungsod ng Tanauan, personal na naghandog ng mga bulaklak at red velvet cookies sina Mayor Sonny Perez Collantes, Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes, CWCC President Atty. Cristine Collantes at Human Resource Management Management Development Office (HRMDO), sa bawat babaeng kawani ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan.

Ayon kay Mayor Sonny, simpleng paraan at pagtanaw ito sa dedikasyon, husay at sipag sa paglilingkod ng bawat kababaihang kawani ng Pamahalaang Lungsod.

Nagpaabot naman ng taos pusong pasasalamat ang bawat babaeng kawani ng Pamahalaang Lungsod dahil sa pagpaparamdam na sila’y espesyal ngayong araw ng mga puso.

Previous CGT Kasalang Bayan 2024, tagumpay! Pinasinayaan ni Mayor Sonny Perez Collantes

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved

Exit mobile version